'Pagkatuwaan kaya natin...'

PAGKATUWAAN KAYA NATIN ANG BUONG PILIPINAS...." Mga katagang binitiwan ni Metro Manila Development Au­thority Chairman Bayani Fernando.
Nakaupo na kami at handang manood ng isang official en­try sa nakaraang Metro Manila Film Festival.

Isang "Infomercial" para sa MMDA ang una mong mapapanood na mahigit pitong minuto. Matapos ipakita ang mga umano'y nagawang proyekto ng MMDA mula sa pera nating mga nagbabayad ng buwis may dalawang bata ang nagtatanong, "Bakit sa Metro Manila lamang napagka-tuwaan ang Metro Gwapo?" Mabilis ang sagot nl Bayani, Oo nga, pagkatuwaan ang BUONG PILIPINAS at gawing gwapo.

Alam ninyo ba kung magkano ang "cost of production" nung paggawa nung infomercial na yun? Million piso! Sino ang gumastos si Bayani? Aba. itanong mo kaya Cong. Roilo Golez.

Napabalita na sa pagbukas ng Kongreso, sa pamumuno ni Golez na bubusisiin ang mga proyekto ni Bayani dahil baka nagagamit lang ang pondo ng MMDA sa pagpapalawig ng kanyang imahe para makatulong sa kanyang "presidential bid" sa 2010.

Isang magandang tingnan no Kongreso ang mga litrato na ipinadala sa aking email ng iba't ibang tao na tumutuligsa kay Bayani at inaakusahan siya ng ginagamit ang kanyang pwesto at ang pondo ng MMDA para isulong nga ang kanyang kandidatura.

Narito ang ilang litrato at makikita mo na mali na ang pangalang Metro Manila Development Authority dahil pinalawig na niya ito, o ang kanyang sarili sa buong Pilipinas

Umpisahan mo sa AKLAN. Mga naka-pink na nag-aati-atihan at makikita natin na kasama si Bayani. Madalas pumunta dito si Bayani at hindi rin ako magugulat kung pupunta na naman siya ngayong taong ito.

"BF Nagsasayaw ng atiatihan sa aklan...."

Metro Manila din ba yun?

"Mga MMDA Dance ni BF"
LEYTE, nagkalat ang mga tricycle na may sticker ni Bayani at mga supporters niya na lulan ng mga truck ng Marikina City (paano nakarating dun) at ang mga plaka nito ay pawang mga "red plates".


Mga Tricycle na may Bayani Sticker at Goverment Service ng Marikina sa Aklan...

"Pano yan nakarating ng Aklan?"

"BF, Nangangampanya sa Aklan."

PASSI, ILOILO nagpadala ng mga "hardiflex boards" si Bayani para sa mga nasalanta ng bagyong "FRANK" subalit sarili na naman niya ang ibinabalandra gayung pera ng MMDA yan na galing sa atin.



Pati truck ng MMDA nasa Iloilo din...Di ba Metro Manila lang Dapat? Bakit pati Iloilo. Umiistyle si BF ng Pangangampanya sa Iloilo....

Obando, Bulacan makikita ang mga heavy equipment, mga "crane trucks" na nagkakabit ng tarpaulin nitong si Bayani.

Pati Fiesta sa Obando Bulacan di mo pinatawad sa pangangampanya mo....

ZAMBALES, PALAWAN, CEBU, LAGUNA, CALBAYOG, SAMAR at pati na rin sa Tagaytay City puros mga tarpaulin ni Bayani ang nakadikit sa mga poste. Sino ang mga gumagastos ng lahat ng ito at ngayong nagkabistuhan na natatakbo pala siya sa 2010 halatang planado ang lahat ng ito at ginisa tayo sa sarili nating mantika.

Zambales

Cebu
Samar

Tagaytay

GUMISING tayo sa ating pagkahimbing dahil "pinag-kakatuwaan lang tayo" ng mamang MMDA Chair na ito at ang hindi nakakatuwa ay kaninong pera ang ginagamit niya.

Ang ating Metro Manila ngayon has been transformed to a pink steal caged, uturn slots, flyovers and concrete barrier jungles.

Kung hindi pa kayo nadidismaya sa nakikita ninyang litrato masdan ninyong mabuti yung ka-duet niyang artista na si Anna Leah Javier na hinahalikan niya ng nguso niya at todo ang higpit ang hawak, Mabuti na lamang at hindi siya inireklamo nitong Viva actress na ito na minsan ng nagreklamo ng "sexual harassment" taban sa isang kongresista. Nakakahiya ka naman Bayani!

Minanyak ni BAYANI FERNANDO si Anna Leah Javier.

6 comments:

  1. yak bayani.. attuk!!!

    ReplyDelete
  2. what a bullshit website. Bayani has contributed more to public service than Binay and Noynoy combined!

    ReplyDelete
  3. tama lang ang ganyang treatment sa kagaya nyang pokpok.

    ReplyDelete
  4. campaign nya ito nung tumakbo sya ng vice president malamang nation wide un... tanga naman nang nagpost neto nagtanong pa kung bakit pati sa iloilo...

    ReplyDelete
  5. tska isa pa ppano daw nakarating ung mga services ng marikina sa aklan.... ahahha laftrip po... buti nga bawas expenses pa un kesa bumili ng mga bagong service.. di nagiisip

    ReplyDelete