MMDA, hindi Patas?

Hindi umano patas ang pagtrato ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa panggigiba ng mga billboard at waiting shed ads sa kahabaan ng EDSA base sa mga naging karanasan ng ibang mga advertising company.
Ito ang hinaing ng ibang mga advertising company kung saan, ang mga banner ads at light boxes ads sa center island sa kahabaan ng Ortigas Center na pag-aari umano ni MMDA Gen. Manager Robert Nacianceno sa ilalim ng Uniserve ad firm at naka-sub lease sa 1P Ads Company ay hindi umano ginagalaw. Tangin mga billboards adsat waiting shed ads ng ibang advertising firm umano ang pinagwawasak nitong mga nagdaang raw ng mga tauhan ng MMDA.
Ipinunto ni Atty. Bruce Rivera, legal counsel ng HDI Stopovers Inc na kinakailangang igalang at kilalanin ni MMDA chairman Bayani Fernando ang writ or injunction at Temporary Restraining Order ni Quezon City Regional Trial court Branch 95 Judge Henry Jean Paul Inting, subalit binalewala umano ang naturang kautusan dahil pinaggigiba pa rin ng mga operatiba ng MMDA ang nasabing mga istraktura.
Aniya, ang mga istraktura ng HDI Stopovers Inc lamang umano ang pinag­gigiba kung saan, ang mga istraktura ng Uniserve ad firm ay hindi umano ginalaw bagay na pagpapakita ng pagiging bias umano ng MMDA sa pagpapairal ng mga panuntunan sa kahabaan ng EDSA.
Bunsod nito, naghain si Atty. Rivera ng motion for show cause and restora­tion of demolish structures laban sa MMDA dahil sa ginawang pangwawasak ni Chairman Fernando sa mga waiting shed ads sa kahabaan ng EDSA kahit pa mayroon nang writ of injunction at TRO mula sa korte.

1 comment:

  1. hoy binay!!!! hayup ka!!! wag mo gaguhin c bayani.. alam nmin ikaw may kagagawan nito.. sa dahilang oinahiya ka nya!!! bobo mo kasi.. pa APO APO ka pa.. ulul bobo ka.. ang itim mo binay mag kuskos ka ng libag mo ahahahaha.. tsonggoloid ka...!! puro dead skin cell kna? asan na pera mo? try mo pumunta kay BELO hindi ka tatanggapin.. grabe na daw pinsala sa balat mo.. peace ur face!!!!

    ReplyDelete